What's For Dinner?

What's For Dinner?

Share

What's For Dinner?

Photos from What's For Dinner?'s post 29/06/2026

Hindi man tayo mayaman, pero sisiguraduhin kong may masarap at masustansyang pagkain ang pamilya natin araw-araw.🥹❤️

Nakakapagod mag-isip ng uulamin at pababaon araw-araw. Nakakapagod mamalengke. Nakakapagod magluto.

Pero lahat ng pagod nawawala kapag narinig mo ang... "Ang sarap, Ma!"- sabe ng mga batuta.
"Salamat Ma sa masarap na ulam at sa pag aasisako samen ng mga bata."- eto naman ang salitang galing kay Mr."🥹💕

Hindi kailangang magarbo ang niluluto o papabaon sa kanila. Ang mahalaga, lutong may pagmamahal at sabay-sabay kayong kumakain sa iisang mesa.

Kung naniniwala ka rin na ang lutong-bahay ang pinakamasarap, mag-iwan ng ❤️ sa comment section.
Tag mo rin ang taong laging nagsasabing... "Ma, Ano ulam?" 😂🍽️

Sharing here some of the baon serye na pinapabaon ko sa mag aama ko.☺️

29/06/2026

Another baon serye ng kiddos.💕

29/06/2026

🍲 Nothing beats a home-cooked meal made with love. ❤️

Simmered to perfection, loaded with tender pork, carrots, potatoes, bell peppers, at rich tomato sauce. Ang bawat kutsara, ramdam ang pagmamahal na kasama sa pagluluto. 🥰

Hindi kailangan ng mamahaling handa para mapasaya ang pamilya. Minsan, isang kaserolang lutong-bahay lang, solved na ang lahat. ❤️

Kung bibigyan mo ito ng rating from 1–10, ilan ang ibibigay mo? 👇😋

23/06/2026

Isa sa mga paborito kong love language ang magluto para sa pamilya. Nakakapagod minsan, pero sulit kapag nakita mong ubos ang pagkain at masaya silang kumakain. ❤️🥹

22/06/2026

Sweet and Sour Fish with Tofu for today's meal. Tamang alat, tamis, at asim na talagang nakakatakam! 🤤 Kung ihahain ito sa inyo ngayon, ilang tasa kaya ng kanin ang kaya ninyong ubusin? 🍚😅

19/06/2026

Habang ginagawa ko ito, hindi ko maiwasang mapangiti. 🥹 Una, Hindi man mamahalin ang mga sangkap, pero ang bawat piraso ay niluto ko nang may pagmamahal para sa mga taong pinakamahalaga sa akin. Pangalawa, Nakakapagod minsan ang buhay, pero kapag nakikita kong masaya at busog ang pamilya ko, sulit na sulit ang lahat. ❤️

Kayo, ano ang paborito ninyong pagkaing niluluto para sa inyong pamilya? Comment down below.

18/06/2026

Dahil may na-harvest tayong sariwang tanglad mula sa bakuran, naisipan kong ipagluto ng stuffed lechon manok ang aking mag-aama. ❤️

Simpleng timpla lang—asin, paminta, butter, liquid seasoning, parsley, at siyempre ang mabangong tanglad na sariling tanim. Habang niluluto, humahalimuyak ang amoy sa buong bahay, at sa unang kagat pa lang, pasado agad sa panlasa ng aking mag-aama. 🥰

Nakakapagod man minsan sa kusina, pero sulit ang lahat kapag nakikita mong masayang kumakain ang pamilya. Iba talaga ang lasa kapag niluto nang may pagmamahal. ❤️

10/06/2026

Breakfast muna tayo today! 🥚🍳☕
Kamusta na ang mga magulang ngayong balik-eskwela na ang mga bagets? Siguradong alarm clock na ulit ang mga nanay.🤣 pero ang twist, sila rin ang chef, yaya, at logistics manager in one.

Mga nanay, kung gusto niyo mag-power nap pagkatapos maghanda ng baon, go lang! Ang bahay hindi tatakbo kahit hindi agad nalinis. At kung may magsabi ng “ang aga pa, tulog na agad?” Sabihin na lang natin: “Yes, kasi kami ang gumising ng mas maaga kaysa sa araw.”🌞. kaya don't mind them!🙄

Hindi kaya biro ang pagiging nanay, parang superhero na walang cape, pero may apron.😂 Kailangan nating maging malakas para sa pamilya, kaya huwag mag-guilty sa pahinga.
Tandaan: ang rest ay part ng hustle. Kung magkasakit si nanay pano na ang pamilya?

Napakwento tuloy si nanay niyo. 😂
Anyway, anong ulam niyo today? Share niyo naman sa comment section para me new ulam at baon idea tayo. 🍱

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Lipa City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Lipa City
4217