ACHO Super Health Center II Tanza

ACHO Super Health Center II Tanza

Share

Here Tanza 2 Super Health Center
San Jose Antipolo City

27/08/2026

Ligtas na Paaralan, Ligtas na Kinabukasan! 💛🧡
Mula sa Super Health Center II – Tanza, sama-sama nating isulong ang kaalaman at kahandaan sa oras ng emergency. Ang pagiging handa ay unang hakbang tungo sa kaligtasan. 🏫❤️

Stay alert. Stay safe. Save lives! 🙏

27/08/2026

Paalala mula sa : SuperHealthCenterII Tanza

May mga bacteria at virus na kumakapit sa ating mga kamay nang hindi natin nakikita. Sa simpleng madalas at wastong paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon, napipigilan natin ang pagpasok ng mga mikrobyo sa ating katawan na maaaring magdulot ng diarrhea, cholera, typhoid fever, trangkaso, at marami pang ibang nakahahawang sakit.

Ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay at panatilihing malinis ang bahay at kapaligiran. Manatiling malusog at protektado sa anumang panahon!

Photos from ACHO Super Health Center II Tanza's post 26/08/2026

Serbisyong May Puso, Serbisyong Para sa Lahat 💚🏥

Isang mapagpalang araw, mga ka-Super Health Center II Tanza! 🌿

Tuloy-tuloy ang ating serbisyo publiko at pagbibigay ng konsultasyon para sa ating mga kabarangay. Kasama rin dito ang MRSIA, immunization para sa ating mga bata, at serbisyong para sa ating mga senior citizens. 👶👴👵

Narito ang ilang random na larawan mula sa ating center—mga simpleng kuha ng araw-araw na paglilingkod, malasakit, at pag-aalaga sa ating komunidad. 💚

“Maglingkod kayo sa isa’t isa, ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa.”
— 1 Pedro 4:10 🙏

Patuloy tayong maglilingkod nang may malasakit, dedikasyon at puso. Para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Tanzaño. 💚

Photos from ACHO Super Health Center II Tanza's post 22/08/2026

Serbisyong Pangkalusugan, Para sa Lahat! 🩺💙

Tara na, magpa-check up! Huwag nang hintayin pang lumala ang nararamdaman. Ang Super Health Center II Tanza ay handang magbigay ng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay.

📅 Monday to Friday
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM

Unahin ang kalusugan—dahil mas mabuting maagapan kaysa pagsisihan. 💙

📍 Super Health Center II Tanza
Serbisyong malapit, maaasahan, at para sa bawat pamilyang Tanza!

22/08/2026

Let's Goooo💕💕💕

Photos from ACHO Super Health Center II Tanza's post 19/08/2026

🌧️ RAINY WEDNESDAY SA SUPER HEALTH CENTER II TANZA! 💙

Kahit maulan, tuloy-tuloy pa rin ang ating pag-agapay at paglilingkod sa ating mga kabarangay. ☔️🩺

Sa pangunguna ng ating masisipag, mababait at dedikadong mga empleyado, patuloy nating inihahatid ang serbisyong pangkalusugan na may malasakit, puso at tunay na malasakit sa bawat isa. 💙

Dahil para sa amin, anumang panahon—ulan man o araw—serbisyo para sa komunidad ay hindi tumitigil. 🙏

Super Health Center II Tanza — laging handang maglingkod para sa kalusugan ng bawat kabarangay! 🏥💙

Photos from ACHO Super Health Center II Tanza's post 18/08/2026

🌧️💙 TULOY-TULOY ANG SERBISYO!

Kahit patuloy ang pag-ulan, hindi ito hadlang upang ang Super Health Center II Tanza ay patuloy na tumulong, magmalasakit, at maglingkod sa ating komunidad. 🩺👩‍⚕️👨‍⚕️

Patuloy ang ating mga serbisyong medikal para sa ating mga kababayan, kabilang na ang MRSIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity) para sa ating mga bata bilang proteksyon laban sa Tigdas (Measles). 💉👶❤️

Kalusugan at kaligtasan ng bawat bata—patuloy nating pangalagaan!
🌧️ Ulan man o araw, Serbisyong Pangkalusugan ay tuloy-tuloy! 💙

12/08/2026

📢 PAALALA MULA SA SUPER HEALTH CENTER II TANZA

Sa panahon ng baha, mag-ingat sa Leptospirosis. Iwasang lumusong sa baha, lalo na kung may sugat sa balat. Kung hindi maiiwasan, magsuot ng protective footwear at agad na maghugas gamit ang malinis na tubig at sabon.

💙 Ang pag-iingat ngayon ay proteksyon laban sa sakit bukas.
Ligtas ang pamilya kapag sama-sama sa kalinisan at pag-iwas!

11/08/2026

💙 MAYOR’S HELP DESK — NARITO NA SA SUPERHEALTH CENTER II TANZA! ❤️

Tulong mula sa puso, serbisyo mula sa Pamahalaan! 🫶

Masaya po naming ibinabalita na available na ang Mayor’s Help Desk sa Super Health Center II Tanza, handang tumulong at umagapay sa ating mga kabarangay na nangangailangan ng assistance at iba pang serbisyo.

📍 Super Health Center II Tanza
Sitio Tanza 2 Phase 2, Brgy. San Jose, Antipolo City

👤 Hanapin lamang po ang ating In-Charge:
Mr. Michael Joshua Diaz
🗓️ Monday to Friday
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM

Ang serbisyong ito ay hatid sa inyo ng Mayor Jun-Andeng Ynares, CSWD at City Health Office (CHO)—para mas maging maaasahan, malasakit at makabuluhan ang serbisyo para sa bawat Antipoleño. 💙❤️
May Puso. May Serbisyo. Para sa Bayan! 🇵🇭
Tayo Na! ANTIPOLO!

🙏 “Ang bawat isa ay maglingkod sa isa’t isa ayon sa kaloob na tinanggap niya.” — 1 Pedro 4:10 💙

Photos from ACHO Super Health Center II Tanza's post 11/08/2026

🌧️💉 KAHIT MAULAN, TULOY ANG SERBISYO! ❤️

Patuloy ang ating serbisyong medikal sa Super Health Center II Tanza! (8am - 5pm). Sa kabila ng maulan na panahon at mapuputik na daan, hindi hadlang ang anumang pagsubok upang maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan. 🩺💪

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos din ng malasakit, dedikasyon at serbisyo ng ating magigiting na kawani—mula sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs) at Nurses, na handang sumuong sa bawat daan para maabot ang ating mga pamilya at mga anak. 👩‍⚕️👨‍⚕️❤️

Para sa MRSIA – Ligtas Tigdas 2026, sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak. 💉👶✨

Ligtas Tigdas 2026: Bakunahan para sa ligtas, malusog at protektadong kabataan!

🌟 Walang ulan, putik o layo ng lugar ang makapipigil sa serbisyong may malasakit.

Super Health Center II Tanza — Serbisyong tuloy-tuloy, malasakit ay walang-hanggan. ❤️

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


So Tanza 2 Brgy San Jose Antipolo City
Antipolo