Jebie Maestre
WELCOME TO MY PAGE�
I'am Jebie OFW
and I want to Share my PERSONAL VLOG, LIFESTYLE, and GOODVIBES.
31/08/2026
Sa gitna ng baha, huwag nating hayaang malunod ang pag-asa. 🇵🇭❤️
Sa bawat tahanang naapektuhan, bawat pamilyang nag-aalala, at bawat taong patuloy na lumalaban—hindi kayo nag-iisa.
Maaaring mataas ang tubig ngayon, pero mas mataas dapat ang ating tapang, pananampalataya, at pagtutulungan. 🤝
Tulungan ang nangangailangan. Mag-abot ng kahit maliit na tulong. Mag-ingat at manatiling updated sa mga abiso ng awtoridad.
Darating din ang araw na huhupa ang baha at sisikat muli ang araw. 🌤️
Kapit lang, Pilipinas. Sama-sama nating malalampasan ito. 🇵🇭🙏
26/08/2026
Ang Pangakong Pag-uwi
May isang ina na ang tanging pangarap ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang dalawang anak.
Isa siyang single mom. May 16-anyos siyang anak na babae at 13-anyos na anak na lalaki. Bata pa lamang ang mga anak niya, alam na niyang hindi magiging madali ang buhay kung siya lang ang aasahan nila.
Kaya isang araw, gumawa siya ng isang mahirap na desisyon.
Pinili niyang mangibang-bansa at magtrabaho sa Middle East.
Iniwan niya ang kanyang mga anak hindi dahil gusto niyang malayo sa kanila, kundi dahil gusto niyang magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan.
Sa bawat araw na nagtatrabaho siya, dala niya ang larawan ng kanyang dalawang anak. Kapag napapagod siya, iniisip niya ang kanilang mga pangarap. Kapag nalulungkot siya, iniisip niya kung bakit niya kailangang magpatuloy.
Maraming gabing gusto na niyang umuwi.
Maraming pagkakataong gusto na niyang yakapin ang kanyang mga anak.
Pero lagi niyang sinasabi sa sarili niya…
“Konti pa. Para sa mga anak ko.”
Lumipas ang mga taon.
At ngayon, may isang pangarap siyang matagal nang hinihintay.
Ang taong 2027.
Plano niyang umuwi sa Pilipinas nang hindi muna sinasabi sa kanyang mga anak.
Sa taong iyon, ang kanyang panganay na babae ay magtatapos ng Grade 12, habang ang kanyang bunsong lalaki naman ay magtatapos ng Grade 6.
At sa araw ng kanilang graduation, hindi nila alam na may isang taong matagal nilang hinihintay na biglang susulpot.
Isang ina na ilang taon nilang nami-miss.
Isang ina na araw-araw nilang hinahanap sa video call.
Isang ina na nagsakripisyo ng kanyang sariling kaligayahan para sa kanilang kinabukasan.
At sa sandaling makita nila ang kanilang ina…
Wala nang mga salita.
Wala nang paliwanag.
Yakap lang.
Dahil minsan, ang pinakamagandang regalo na maibibigay ng isang ina ay hindi pera, hindi gamit, at hindi diploma.
Kundi ang kanyang sarili.
“Anak, umuwi na si Mama.”
At sa wakas, matapos ang ilang taon ng sakripisyo, pagod, luha at pangungulila…
makakauwi na rin siya sa kanyang dalawang anak.
Dahil ang isang ina ay kayang lumayo…
pero kahit gaano kalayo ang kanyang marating,
ang puso niya ay laging nasa kanyang mga anak.
🇵🇭❤️
Magpahinga kung pagod na, pero huwag kalimutan ang layunin kung bakit ka nagsimula
Peace, views, and a little escape from reality. 🌊🌴✨
Minsan, kailangan lang nating huminto sandali, huminga nang malalim, at i-enjoy ang ganda ng mundo. 💙
15/08/2026
Maglabas ka ng sarili mong payong pag umuulan, wala ka sa Chinese o Korean Drama. Walang CEO na biglang susulpot para payungan at titigan ka in slow motion😆
Hindi lahat ng nababasa nagkaka jowa ng CEO😂
Yung iba nagkaka-trangkaso lang🤧
Sira ba messenger ngayon? Wala pa akong natatanggap na "Goodmorning, mahal."
Hang init🥵
27/07/2026
May damit kang matagal ng hindi nasusuot. Tapos nung sinuot mo ulit, may nakapa kang pera sa bulsa. Hindi man malaking amount. Pero sakto para sa pamasahe o meryenda mo. Mapapangiti ka nalang, ang galing noh?
Sometimes, God let's little surprises. Come exactly when they're useful.
Nabudol na naman kami ng murang perfume sa Batha
26/05/2026
Kapag pinili na ng babae yung peace niya kaysa relasyon niyo…
doon mo marerealize kung gaano siya katagal lumaban mag-isa.
Kasi ang totoo,
hindi naman agad sumusuko ang babae.
Paulit-ulit muna niyang iniintindi yung actions mo.
Paulit-ulit muna niyang kinakausap yung sarili niya para manatili.
Paulit-ulit muna niyang kinokonvince ang sarili niya na
“baka magbago pa.”
Pero may limit din ang puso.
At minsan, habang iniisip mong okay pa kayo…
siya pala, gabi-gabing umiiyak nang tahimik habang unti-unting napapagod.
Psych fact:
Women often emotionally detach slowly, not suddenly.
Kapag matagal na nilang hindi nararamdaman ang emotional safety, effort, at reassurance…
unti-unti silang napapagod hanggang sa dumating sa point na mas pipiliin na nila ang peace kaysa paulit-ulit na pain.
At kapag umabot na ang babae sa katahimikan na wala nang reklamo, wala nang away, wala nang habol…
madalas, hindi ibig sabihin nun okay na.
Ibig sabihin lang…
pagod na siyang lumaban mag-isa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Antipolo