Rome Around

Rome Around

Share

Mystery shopper, honest review, reading is a must šŸ˜‰


Suggest kayo tapos i honest review natin

04/09/2026
01/09/2026

Ang hirap mag paka tao

30/08/2026

30/08/2026

Ready ka ba?

#2012

07/08/2026

Iyakan to malala

29/07/2026

What if none of us knew how to speak? Ano kaya ang magiging takbo ng mundo?

20/07/2026

Official unlocked achievement na talaga ng pagiging TRENTAHIN na Tito/Tita ang healing your inner child.

Dati, kailangan mo pang maging good boy/girl at magtrabaho sa gawaing-bahay para lang makabili ng kahit isang piraso.

Sino bang hindi nakaranas maging official tagahugas ng plato, tagawalis, o tagasaing para lang makalimos ng barya sa magulang? Piso o limang piso man 'yan nung 90s at early 2000s, pakiramdam natin jackpot na tayo! Yung simpleng reward na 'yun, pambili na ng ice candy, Chocnut, o Chuckie na nakakakumpleto ng araw natin.

Ngayon Ito 'yung masarap na pakiramdam na nabibigyan natin 'yung bata nating sarili ng mga bagay na pangarap lang natin noon.

Na pagpasok mo ng grocery o online shopping app, kaya mo nang bilhin 'yung buong pack o box nang hindi humihingi ng permiso sa sinoman!

Sabi nga nila, ā€œWe are buying what we couldn’t afford, to make up for the kid who couldn’t have it.ā€ Worth it bawat barya!

Looking back, bukod sa nostalgia, dito rin pala natin natutunan ang value of hard work. Tinuruan tayo ng disiplina at diskarte habang maaga.

Kaya ngayong may sarili na tayong pera (at sumasakit na ang likod), nakakatuwang alalahanin kung gaano tayo kadaling pasayahin noon gamit lang ang tiyaga at simpleng barya.

Photos from Rome Around's post 19/07/2026

šŸ“ Southern Leyte

I had a quick getaway sa Southern Leyte at Tacloban, and honestly? Sobrang namangha ako sa ganda ng lugar! From the rich history of Tacloban hello, San Juanico Bridge and MacArthur Landing to the laid-back, coastal scenery of Southern Leyte, talagang may sariling magnet ang rehiyon na ito para sa mga mahilig sa nature at adventure.

Ang sarap sa mata ng greenery at ng sikat ng araw sa dagat. Kaso, bitin ang naging trip! Medyo nanghihinayang ako dahil hindi ko napuntahan ang sikat na Limasawa Island. Sayang talaga yung historical trail at ang crystal-clear waters doon na perpekto sana para sa konting island vibe content.

But as any true traveler says: ā€œLeave something for next time.ā€ Solid na dahilan ito para bumalik at mas galugarin pa ang Leyte sa susunod.
Kayo, nakapunta na ba kayo rito? Ano ang go-to spot niyo sa Leyte? Let me know in the comments!

Photos from Rome Around's post 13/07/2026

šŸ“PJs Sizzling Hub Sta. Isabel

Super accessible itong kainan dahil along the road lang at tapat mismo ng Sta Isabel Church (Location: 10/10). Perfect spot talaga kapag nag-crave ka bigla ng affordable at masarap na sizzling plates.

Yung pagkain nila? Solid 10/10! Hindi talaga ako makaget-over sa Chapsuy—kudos sa chef dahil iba ang sarap nito kumpara sa mga nakainan ko sa casual restos.

Order ko rin yung Sizzling Hungarian sausage na may kasamang egg, java rice, at gravy. Sobrang panalo, lalo na’t may unli rice pa sila!

Ang tanging downside lang siguro ay ang service (8.5/10). Parang may buwanang dalaw si ate sa counter; medyo wala siya sa mood at hindi man lang ngumingiti habang nag-aasikaso.

Pero kung dedma naman kayo sa nakasimangot na kahera, sobrang mae-enjoy niyo pa rin dito dahil masarap na, abot-kaya at napakasulit pa sa bulsa!

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Malolos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Malolos
3000